
Source: http://barangaystaana.blogspot.com/
Lupang Arenda Extension Hall
Kamakailan ay pormal na pina-sinayaan ang bagong tayong Barangay Extension Hall sa lugar ng Lupang Arenda, Barangay Sta. Ana, Taytay, Rizal.
Kasabay ng flag ceremony ng mga empleyado at opisyales ng Pamahalaang Barangay na ginaganap tuwing unang Lunes ng buwan, pormal na binuksan ang naturang gusali sa pamamagitan ng isang Ribbon Cutting at Blessing Ceremony, sinundan ng solidarity messages ng mga kagawad at ni Punong Barangay Joselito Calderon.
Ang bagong gusali ay simbolo lamang ng taus-pusong paglilingkod ng Sangguniang Barangay ng Sta. Ana lalo na para sa mga taga-Lupang Arenda, partikular na sa pagbibigay ng basic services sa...