Source: http://barangaystaana.blogspot.com/
Lupang Arenda Extension Hall |
Kamakailan ay pormal na pina-sinayaan ang bagong tayong Barangay Extension Hall sa lugar ng Lupang Arenda, Barangay Sta. Ana, Taytay, Rizal.
Kasabay ng flag ceremony ng mga empleyado at opisyales ng Pamahalaang Barangay na ginaganap tuwing unang Lunes ng buwan, pormal na binuksan ang naturang gusali sa pamamagitan ng isang Ribbon Cutting at Blessing Ceremony, sinundan ng solidarity messages ng mga kagawad at ni Punong Barangay Joselito Calderon.
Ang bagong gusali ay simbolo lamang ng taus-pusong paglilingkod ng Sangguniang Barangay ng Sta. Ana lalo na para sa mga taga-Lupang Arenda, partikular na sa pagbibigay ng basic services sa pamamagitan ng pagkakaroon ng tanggapan na malapit sa lugar ng bawat mamayan. Ang gusaling mayroong limang (5) silid ay isa lamang patunay na ang bawat buwis na ibinibigay ng bawat mamayan ng barangay na ito ay naibabalik sa pamamagitan ng tapat na serbisyo na na-aayon sa pangangailangan ng ating ka-barangay.
Kasalukuyan, ang mga silid sa ibabang bahagi ng gusali ay kumakanlong sa dalawang mahahalagang opisina na gumaganap sa kanilang tungkulin para sa kapakanan ng taga-Lupang Arenda: ang Clerk Office at ang Barangay Informal Settlers Affairs Office o BISAO na siya ring Department of the Month para sa Buwan ng Marso 2013.
Ang renovation ng Lupang Arenda Extension Hall ay simula lang ng mas marami pang proyektong pang-inprastraktura ng Pamahalaan Barangay. Kamakailan lang ay binendisyunan ang bagong ayos na gusali sa Exodus Floodway, isang linggo lang ang lumipas ay sabay na pina-sinayaan din ang Purok Extension Hall ng Ilang-ilang at ang pagsasa-ayos ng isang gusali sa Barangay Hall Central. Kasalukuyan ding tina-tapos ang pagsasa-ayos ng Purok Hall sa Purok 8 Bagong Pag-Asa sa Floodway.
Posted by Allen Baloloy
0 comments:
Post a Comment